Natunton at nadakip kamakailan ng Philippine National Police Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang most wanted ng Cordillera region at ito ay sa pakikipagtulungan ng nangungunang mobile wallet sa bansa na GCash.
Patong-patong na kaso ang kinahaharap ni Leny Orcine Sierda, 37 años, residente ng Brgy. Santa Catalina, San Pablo, Laguna, matapos umano nitong magpanggap na real estate agent gamit ang alias na Brenda Maxwell at tumanggap ng P71,500.00 online bilang down payment.Ayon sa 23 años na biktima na isang research analyst sa Baguio City ay agad siyang na-block ng suspek na si Sierda matapos nitong matanggap ang napagkasunduang halaga bilang paunang bayad para sa isang condo unit sa Cypress Towers na matatagpuan sa Brgy. Ususan, Taguig. Agad ini-report ng biktima ang pangyayari sa mga awtoridad at matapos ang masusing imbestigasyon ay natukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng suspek na siya rin palang top-most wanted ng PNP sa Cordillera.
Ayon sa biktima, nakilala niya si Sierda sa isang online platform kung saan maaaring bumili, magbenta at magpaupa ng mga real estate properties.
Kinilala ng PNP Cordillera si Sierda na number one most wanted cybercriminal noong first quarter ng 2023.
“Ang pagkakahuli sa number one most wanted cybercriminal ng Cordillera ay isang patunay sa patuloy na pag-unlad ng kakayahan ng ating kapulisan sa paglaban sa mga cybercrime gamit ang teknolohiya na lalong pinabisa ng maigting na pakikipagtulungan ng mga e-wallets kagaya ng GCash. Nais namin na lalo pang pagtibayin ang pagtutulungang ito sa lalong ikaliligtas ng mga Pilipinong gumagamit ng mga online payments”, pahayag ni PNP ACG director PBGen Sidney Hernia.
Patuloy na pina-iigting ng nangungunang fintech company sa bansa ang pakikipagtulungan nito sa mga awtoridad kabilang ang PNP, CIDG, CICC at NBI upang masigurong ligtas ang 79 million users nito laban sa mga scammers at iba pang cybercriminals. Ang pagkikipagtulungan ng GCash sa mga alagad ng batas ang nagiging susi sa pagkakadakip ng mga hinihinalang scammers at pag block sa mahigit 900,000 na fraudulent accounts noong 2022.
Patuloy na pinaaalalahanan ng GCash ang mga users nito na maging maingat sa kanilang mga online transactions. Nagbabala rin ang e-wallet na hindi dapat ibigay kanino man ang kanilang MPIN o OTP at wag i-click ang anumang website na matatanggap sa email o SMS.
Sa mga nais mag report ng mga scam, puntahan lamang ang official GCash Help Center at help.gcash.com o mag-message kay Gigi sa the website at i- type ang "I want to report a scam."
Para sa nais makipag-ugnayan o humingi ng assistance, maaari kumontak sa PNP-ACG, sa pamamagitan ng kanilang hotlines na (02) 8414-1560, 0998-598-8116, o mag-email sa acg@pnp.gov.ph.
###
About GCash
GCash (G-Xchange, Inc.) is the #1 Finance App in the Philippines. Through the GCash App, 79M registered users can easily purchase prepaid airtime; pay bills at over 1,600 partner billers nationwide; send and receive money anywhere in the Philippines, even to other bank accounts; purchase from over 5.2M partner merchants and social sellers; and get access to savings, credit, loans, insurance and invest money, and so much more, all at the convenience of their smartphones. GCash is a wholly-owned subsidiary of Mynt (Globe Fintech Innovations, Inc.), the first and only duacorn in the Philippines.
GCash is a staunch supporter of the United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), particularly UN SDGs 5,8,10, and 13, which focus on safety & security, financial inclusion, diversity, equity and inclusion as well as taking urgent action to combat climate change and its impacts, respectively.
No comments:
Post a Comment