Saturday, December 22, 2018
Silvia Sanchez sa Silviahera!
Nagkaroon ako ng pribilehiyo at napakagandang pagkakataon na makilala ng personal ang isa sa maituturing nating haligi sa propesyon na kanyang kinabibilangan. Ito ay walang iba kundi si Silvia Sanchez.
Si Jossette Campo-Atayde na mas kilala bilang Sylvia Sanchez ay isang artista sa Pilipinas. Siya ay may-asawa sa Arturo Atayde at ina ng mga artista na si Arjo Atayde at actress na si Ria Atayde. Ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, gumawa ng madaming mga teleserye and mga pelikula, alam kong hindi lamang ako ang makakapag sabi kung gaano karami at halaga ang kanyang mga naging kontribusyon sa entertainment industry. Mula sa La Luna Sangre, Ipaglaban Mo!: Testigo, Pangako Sa 'Yo, Eva Fonda, mga episodes ng Maalaala Mo Kaya ito ay ilan lamang sa mga pagkakataon na nakita natin siya sa telebisyon. Sa mga pelikula naman ay naroon siya sa Mama's Girl, The Trial, Bulong, Miss You like Crazy, Forevermore, Esperanza: The Movie, Seth Corteza, Darna ay ilan sa kanila. Portrayed a variety of roles bilang Nanay o Kontrabida. Pumunta siya sa Maynila bilang breadwinner at provider para sa kanyang pamilya, nadiskubre ni Peque Gallaga nung kabataan nya and the rest is history ika nga at ngayon isa siyang matagumpay na actress na may mga mabibigat na parangal karugtong ng kanyang pangalan. Best Supporting Actress(Takbo... Talon... Tili!!!), Best Single Performance by an Actress(Calvento Files), Best Single Performance by an Actress(Maalaala Mo Kaya: "Aswang"), Outstanding Performance by an Actress in a Single Drama/Telemovie Program(Untold Strories: Kahit ako'y mangmang), Movie Supporting Actress of the Year at Best Supporting Actress para sa The Trial, Best Drama Supporting Actress(Ningning), Best Performance by an Actress in a series at Best TV Actress in a Drama Program para sa The Greatest Love. Madami at hindi basta basta hindi po ba? Bukod sa mga ito si Silvia Sanchez ay patuloy pa din ang pag aaral, pag alam ang pagpapabuti sa sarili.
Siya ay nag aral ng Culinary hindi para matuto magluto kundi para ma enhance pa ang kanyang skills sa pagluluto bukod sa mga nalalaman niya na mga local na putahe ay gusto din nyang pag aralan ang ilan pang mga ulam o lutuin sa ibat ibang lugar. Ngayon ay nais pa niya itong itaas pa ng isang antas sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang mga natutunan hindi lamang sa larangan ng pagluluto kundi tungkol sa buhay.
Ngayong darating na pasko mayroon siyang nais ibahagi sa ating lahat lalong lalo na sa mga kababayan nating OFW na hindi kasama ang kanilang mahal sa buhay. Silviahera, ito ang pamagat ng kanyang palabas, ito ay cooking/travel show na kung saan ito ay pagsasalamin sa kanyang buhay at mga hilig na pagtravel at pagluluto. Binigyan niya kami ng istorya ng kanyang buhay na makikita din sa mga episodes ng kanyang show. Naantig ako at nagulat na napagdaanan pala niya ang mga iyon nung kabataan niya, gaya ng pag wala silang makain kailangan nilang sumisid ng dagat para kumuha ng sea urchin o sea weeds para ipang ulam, na ang ilan sa mga ito ay naibahagi niya din sa kanyang mga anak at tinuruan niya din ito ng mga gawain sa probinsya kung saan siya nagkamalay. Para sa akin ito ay napakagandang panoorin dahil hindi lamang tungkol sa pagluluto ito kung hindi ibabahagi ni Silvia Sanchez ang kanyang istorya simula sa kanyang buhay sa Butuan ang mga unang episodes ng Silviahera, namangha ako sa pagkakagawa nila dito dahil hindi talaga siya cooking show, para ka lang namamasyal, nakikinig, nanonood ng isang istorya na dokumentaryo o indie ang atake. Inaanyayahan ko kayo na mapanood ito dahil hindi lamang ulam ang matututunan dito kundi pati na din aral na maibabahagi sa iba. Sa tulong ni Direk Dante Nico Garcia nagkaroon ng buhay ang magandang palabas na ito.
Ang “Sylviahera” ay ipapalaba sa Casa Nieves TV sa December 25, 2018, 12:01AM na magiging available sa youtube and facebook. Click here: Casa Nieves TV youtube at https://www.facebook.com/CasaNieves.TV para sa facebook
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment