Sunday, September 7, 2014

Libreng Bakuna kontra Tigdas ng DOH Buong Setyembre 2014


Dalhin ang lahat ng batang may edad limang taon pababa(nabakunahan na o hindi pa) sa pinakamalapit na health center o vaccination post para sa Libreng bakuna kontra tigdas mula Setyembre 1-30, 2014. Bukod duon ay may libreng bakuna din laban sa polio.


Ito ay kampanya ng DOH(Department of Health) ngayong buwan ng Setyembre sa buong bansa, Alam natin na may kampanya ang gobyerno para sa bakuna ngunit may mga bata pa rin na hindi nababakunahan, simula noong 2011 ang bansa ay nagkaroon ng malaking kabawasan ng tigdas ngunit nung nakaraang taon nagkaroon ng pagtaas ng nagkaroon ng sakit hanggang sa ito'y naging 'outbreak' kung kaya't ito ay nais ng gobyernong puksain.


Nagkaroon din ng talumpati ang ating Pangulong Benigno S. Aquino III sa paglulunsad ng “Ligtas sa Tigdas at Polio” Kampanya para sa Mass Immunization na inihayag sa DOH Convention Hall, San Lazaro Compound, Maynila, noong ika-1 ng Setyembre 2014



Kung gusto po niyong tignan ang mga relo niyo, palagay ko po ito isa sa pinakamagiging maikling talumpati ko simula nang tayo’y naging pulitiko.

Pakiusap po sa lahat, itong “Ligtas sa Tigdas” na programa po natin ay ating suportahan. Doon sa mga hindi pa ho nakakarinig nitong programang ito, makidamay na po tayong ipaalala sa kanilang obligasyon natin sa kabataan ito.

--Parts from the speech of President PNoy

Kuha ang buong talumpati sa Official Gazette

No comments:

Post a Comment