Tuesday, July 15, 2014

Mga Paalala Bago Tumama ang Bagyo



Mga Pwedeng gawin bago dumating ang bagyo:

- Maghanda o gumawa/bumuo ng emergency kit pati na rin ang paraan ng komunikasyon ng pamilya
- Alamin ang iyong paligid
- Alamin ang taas ng inyong tinitirahan kung ito ay ligtas sa baha. Alamin din kung ito ay ligtas mula sa rumaragasang daluyong(storm surge)
- Alamin kung mayroong malapit na Dam sa inyong tinitirahan
- Maging pamilyar sa daan/mga daanan ng paglikas at paghahanap ng mas mataas na lugar. Alamin din kung saan pwedeng maging pinakamalapit na masisilungan gaya ng mga paaralan o matataas na building sa inyong lugar
- Gawan ng paraan kung paano magiging tiwasay o ligtas ang mga maiiwanang gamit kung sakaling lilikas ng tirahan
- Isarado o kaya naman ay takpan ang mga bintana, pinto at kung ano pang maaaring mabasag na kahalintulad nito. Mahusay kung gagamit ng plywood para matakpan ang mga ito.
- Maaaring itali ang bubong para maging mas matatag ito sa malalakas na hangin
- Linisin ang mga baradong kanal o daanan ng tubig mula sa bubong hanggang sa mga gutters
- Sa malakas na bagyo, ilagay sa loob ng bahay ang mga mahahalagang kasangkapan na nasa labas ng bahay
- Sa mga nasa matataas na gusali, maging handa na kumubli sa mga mas mababang palapag
- Makinig sa Radyo at manood ng Telibisyon para makibalita tungkol sa bagyo at mga paalala na maaaring mabanggit
- Patayin ang mga gamit na di kuryente kung ito ay nabanggit sa balita
- Patayin ang tanke ng LPG
- Mag imbak ng maraming tubig para sa sarili at sa banyo
- Alamin kung paano mag imbak ng pagkain na maaaring magamit ng mga ilang araw




Lumikas ayon sa mga sumusunod:

- Direktibo ng pamahalaang lokal at sundin ng maayos ang ipinapagawa
- Kung ang iyong tinitirahan ay sadyang mahina ang pundansyon
- Kung ikaw ay nakatira sa isang mataas na building(mas malakas ang hangin sa itaas na parte ng gusali)
- Kung ang iyong bahay ay katabi ng ilog, dagat at iba pang anyong tubig

No comments:

Post a Comment