Monday, June 16, 2014
Bayanihan nung Araw ng Kalayaan
Habang ang iba ay nasa galaan, nag iinuman, nasa mall, namamasyal o nasa bahay lang, eto naman ang mga taong ito na nasa ibang lugar.
Nagmula sa mga iba't ibang henerasyon(o edad) ng nakilahok sa pagtulong sa komunidad. Isa sa aking sinasaluduhang gawa, dahil ito ay pagtulong sa kapwa at iyon sa aking palagay ang isa sa mga magagandang dahilan para mabuhay sa mundo. Ika nga na hindi lang tayo nabubuhay para sa ating sarili kundi para na rin sa iba. Maaaring ito ay sa ating mga mahal sa buhay pero pwede pa natin itaas ang antas ng pagtulong.
Ako'y lubos na humanga sa mga kabataang nakilahok sa Bayanihang ito na inihatid ng Gawad Kalinga at mga nag organisa dahil ito ay magandang pag hubog ng pagiging matulungin, pakikipagkapwa tao at Bayanihan na isa sa mga magagandang katangian nating mga Pilipino.
Naging kaayon ayon ang panahon at naging kapanapanahon ang paglahok dito lalo na ang malaking miyembro na nanggaling sa kalapit na Paaralan at ang kanilang naging oras sa pagsasagawa ng Bayanihan sa Napindan.
Mula sa pagtulong sa pag gawa ng mga building, paghalo ng simento, pagtatanim, pagtatayo ng bakod, pagpintura sa mga hagdan, hanggang sa pagaasikaso sa mga batang 9 anyos pababa at pagbibigay ng kasiyahan sa kanila ay naging nakakapagod ngunit makahulugan.
Nakita natin kung gaano kaganda ang nagagawa ng pagtulong na ating nasaksihan din nung huling sakuna na dumaan sa ating bansa na hanggang ngayon at tuloy tuloy pa rin ang buhos ng tulong. Maganda na nakibahagi tayo duon pero sana ay hindi pa doon magtapos ang lahat, marami pang pwedeng gawin na maaaring at hindi mo na minsan kailangan pang lumayo. Malaki man o maliit ang iyong nagawa ang mahalaga ay meron kang nagawa.
Hayaan ninyong ibahagi ko ang isang tanong na aking napulot sa Bayahihang ito na sana ay makuha din ninyong pagnilayan:
Kung mas marami pa kayang Pilipino ang kagaya mo, mas maganda ba ang Pilipinas?
Ang Bayanihang ito ang nagpapasalamat din sa mga sumusunod, Mabuhay kayo!
REACH Magazine Yellow Cab Pizza Co. JCI PHILIPPINES
Marami pang ibang gawain ang Gawad Kalinga sa buong bansa at sa mga gusto o interisadong lumahok sa mga susunod pa nilang mga proyekto ay maaari ninyong bisitahin ang https://www.facebook.com/gawadkalinga
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment