Monday, June 10, 2013

Evercool Automotive at Industrial Radiators, Matatag at maaasahan sa Hanapbuhay

Para kay Eleuterio Manankil, isang taga-angkat ng sari-saring gulay, ang pagpatak ng buwan ng Marso ay hudyat ng mahigit na dalawang buwang kalbaryo—kalbaryo laban sa init ng araw na siyang nagpapalanta ng kanyang kalakal.

Hanggang sa natuklasan niya ang solusyon sa kanyang problema—ang Evercool line ng automotive at industrial radiators.

“Ang mga unang taon ko sa negosyo ay kalbaryo tuwing tag-araw. Ang mga kalakal kong gulay na galing sa iba’t ibang parte ng Luzon ay nalalanta dahil sa init ng biyahe,” ani Manankil, tubong Laguna pero nakakarating sa Vigan sa Ilocos hanggang sa Baguio at Legaspi sa Albay para umangkat ng halos lahat ng uri ng gulay.

“Ang isandaang porsyento ng kalakal na gulay ay parang animnapung porsyento na lang pagdating sa Maynila,” dagdag ni Manankil. “Gusto ko nang sumuko noon pero nakaraan na ‘yun. Ngayon, nakakahinga na ako ng maluwag at magaan na ang takbo ng negosyo ko.”

Ang dahilan ay ang kanyang walang palyang mga sasakyang trak—mga 10-wheeler na talo pa ang kalabaw sa pag-aararo ng highway mula Laoag hanggang Legaspi at pabalik ng Balintawak sa lungsod ng Quezon kung saan binabagsak niya ang sako-sakong paninda. Walang palya ang mga trak dahil sa Evercool radiator, na natuklasan niya mula sa isang kanegosyo na taga Lucena sa Quezon.

“Mula noong pinayuhan niya ako na gumamit ng Evercool, walang nang palya ang biyahe namin. Kahit gaano pa kainit ang biyahe, tiyak, makakarating ang mga trak ko sa takdang oras at sariwa pa din ang mga gulay ko,” diin ni Manankil.

“Mahigit na siyento porsyento ang performance ng Evercool products. Walang palya,” ani Mike Gonzalez, ang general manager ng Roberts Automotive and Industrial Parts Manufacturing Corporation (Roberts AIPMC), ang kumpanya na nakabase sa Cabuyao, Laguna, na gumagawa ng matatag na Evercool line ng radiator.

“Ngayon, pwede nang kalimutan ni Mang Eleuterio ang takot na titirik sa daan ang kanyang mga trak dahil ni minsan, hindi siya binigo ng Evercool. Nakakarating sa destinasyon ang mga kalakal sa takdang oras, o mabilis pa.”

Sadyang mainit ang klima sa Pilipinas, dahilan para madaling masira ang mga sasakyan o parte nito. Isama na rin ang mabigat na daloy ng trapiko sa buong Maynila at ang masamang lagay ng mga kalsada. Nakakadagdag ito sa tinatawag na “strain” o pagkapagod ng radiator ng sasakyan. Gaya ng ating katawan, alalahanin din natin na ang mga makina ay napapagod din kapag hindi inalagaan o ipinapahinga.

Kaya ang payo ni Gonzalez ay tiyakin na ang radiator ng inyong mga sasakyan ay gawang Evercool ng Roberts AIPMC na patuloy na gumagawa ng mataas na kalidad na produkto na puwedeng isabak sa anumang lagay ng kalsada o temperatura. Isang patunay ng galing ng Evercool ay ang patuloy na pagtangkilik ng mga pangunahing kumpanya ng sasakyan tulad ng Mitsubishi Motors, Isuzu, Columbian Motors, Pilipinas Hino at Suzuki.

Higit pa sa garantiya ni Gonzalez ang karanasan ni Manankil sa paggamit ng Evercool sa kanyang mga sasakyan. Para sa kanya, walang lantang gulay sa isang matatag at maaasahang alalay na Evercool sa paglalakbay.

Para sa iba pang kaalaman tungkol sa Evercool radiator na gawa ng Roberts AIPMC, tanungin ang inyong paboritong mekaniko o magtungo sa kanilang website, www.roberts.com.ph.

No comments:

Post a Comment